
Malaman ang naging mensahe ng talent manager at showbiz columnist na si Noel Ferrer nang ibinahagi niya sa social media ang isang Francis Magalona memorabilia na hawak niya.
Ayon kay Noel, ang signed shirt na ito ay mismong ibinigay sa kanya ng OPM icon.
Sabi niya sa Instagram, “For more than 15 years, itinago ko ito. Sabihin ninyo lahat ng gusto ninyong sabihin.
“Pero hindi nyo puedeng sabihin na sinungaling ako because this LEGIT SIGNED SHIRT EXISTS. Francis M. gave this to me.
“And IT'S NOT FOR SALE. Because it's priceless!”
MEMORABLE THROWBACK PHOTOS WITH FRANCIS MAGALONA:
Mainit pa rin na pinag-uusapan hanggang ngayon ang paglabas ni Abegail Rait sa vlog ni Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars, kung saan sinabi nito na diumano siya ay naging karelasyon ng Master Rapper.
Anak din daw ng yumaong OPM icon si Gaile Francesca.
Pumanaw si Francis noong March 6, 2009.