GMA Logo Frankie Panglilinan
What's on TV

Frankie Pangilinan, susunod nga ba sa yapak ng amang si Kiko Pangilinan?

By Kristian Eric Javier
Published August 2, 2025 9:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

At least 5,000 dead in Iran unrest, official says, as judiciary hints at executions
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Frankie Panglilinan


Handa na bang sumabak sa mundo ng pulitika si Frankie Pangilinan?

Sa pagkakaroon ni Frankie Pangilinan ng mga magulang mula sa magkaibang industriya, si Sharon Cuneta sa entertainment habang si Kiko Pangilinan sa pulitika, ay meron siyang mga gabay kahit saan man niya naisin magpunta. Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda, susunod kaya siya sa yapak ng kaniyang ama at papasok sa pulitika?

Sa pagbisita ni Frankie sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 1, napag-usapan nila ng batikang host ang pagdepensa niya sa amang senador na si Kiko sa mga bumabatikos dito.

Ngunit pag-amin ni Frankie, sa bahay, madalas ay sila ni Kiko ang nagtatalo. Kaya naman, ang pagdepensa niya sa kaniyang ama sa social media ay hindi dahil ama niya si Senator Kiko, kundi dahil malaki ang tiwala niya rito.

“I think whenever I defend him, people think 'Obviously,' kasi daddy ko 'yan. And to some extent, definitely may bias, wala naman hindi puwedeng maging bias pagdating sa mga daddy nila, daddy ko 'yun e. But at the end of the day, talagang inaaway ko po 'yan, actually, tuwing may hindi po ako naiintindihan,” sabi niya.

Malaki rin ang epekto ng kung papaano sila pinalaki sa bahay kung saan sinigurado umano nina Sharon at Kiko na maaari nilang panagutin ang kanilang mga magulang sa mga isyu na kailangan nilang managot.

BALIKAN ANG MGA ANAK NG CELEBRITIES NA TUMAKBO SA NAGDAANG 2025 MIDTERM ELECTIONS SA GALLERY NA ITO:

Dito, tinanong na ni Boy kung naisip bang pumasok ni Frankie sa pulitika.

Ang sagot ni Frankie, “No po, and I think that's why. I think that, honestly, this part, because I understood suddenly na ganu'n pala ang mga tao, actually. Tuwing nagiging politically involved, ibig-sabihin may ambisyon, or something like that. And I've never been that kind of person.”

Aniya, hindi naman niya ginusto magpasikat o kumuha ng atensyon sa sarili niya na gusto niyang maging isang pigura sa pulitika. Sa halip, ang gusto lang niya ay may magbago at masolusyonan ang mga problema ng bansa.

“It's really just tao pong Pilipino na nais pong magbago po ang mga problema sa Pilipinas and I think that's really just it, bilang mamayang Pilipino, hindi po bilang anak ni sino man,” sabi ni Frankie.