GMA Logo Fred Moser, Princess Aliyah
Courtesy: EJ Chua (GMANetwork.com)
What's Hot

Fred Moser at Princess Aliyah, new ship sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

By EJ Chua
Published December 9, 2025 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking nag-trespassing umano, patay matapos suntukin ng dating katrabaho
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Fred Moser, Princess Aliyah


'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' housemate Fred Moser kay Princess Aliyah: “Siya na lang po talaga 'yung gusto kong makasama nang matagalan.”

Ang housemates na sina Fred Moser at Princess Aliyah ang bagong kinakikiligan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

Sa recent episodes ng teleserye ng totoong buhay, mapapansin na mas lumalalim ang samahan nina Fred at Princess.

Ayon sa ilang housemates kabilang na si Ashley Sarmiento, kung noong una ay siblings ang turing nila sa isa't isa, mukhang nag-level up na raw ito ngayon.

Isa rin si Sofia Pablo sa mga nakapansin na tila may something special sa pagitan nina Fred at Princess.

Sa confession room, minsan nang inamin ni Fred ang nararamdaman niya tuwing magkausap at magkasama sila ni Princess.

Sabi niya kay Big Brother, “Kuya, kapag kasama ko siya [Princess Aliyah], nakikita ko siya or nakakausap ko man, parang siya na lang talaga 'yung gusto kong makasama nang matagalan.”

Mapapansin naman kay Princess na komportable siya kay Fred lalo na sa mga oras na nagkukwentuhan at mas kinikilala nila ang isa't isa.

Bukod sa housemates, kinikilig din ang viewers sa tambalang FredCess.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.

https://www.gmanetwork.com/entertainment/videos/kapuso-stream-pinoy-big-brother-collab-edition-20-all-access-livestream/298861/

Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?

Sagutan ang polls sa ibaba: