
Si Fred Moser ang nakasabay ni Clifford na lumabas sa Bahay Ni Kuya nitong Sabado, January 17 sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Sa mismong eviction night, pinag-usapan ng marami ang tila hindi masyadong pagiging emosyonal ni Fred nung nalaman niyang siya ang isa sa mga evicted na sa Big Brother house.
Ang naturang topic online ay pinag-usapan din sa Unang Hirit guesting ni Fred, kung saan kasama niya rito ang Sparkle star na si Clifford.
Inilahad ng Star Magic artist kung bakit ganon ang naging reaksyon niya sa eviction night at inamin din niya na na-homesick siya sa matagal na panahon na hindi niya nakasama ang kanyang pamilya.
Pahayag niya, “Since nagawa ko na lahat ng gusto kong gawin sa Bahay [Ni Kuya]... Nakapag-Pasko, New Year, feeling ko sa 84 days po na 'yun, whatever happens nung eviction night, parang for me, it is a win-win situation.”
“Sobrang miss ko na rin 'yung family ko, I'm like homesick kaya for me, hindi ako masyadong naging emosyonal kasi it was a win-win situation,” pahabol niya.
Nakikilala si Fred sa teleserye ng totoong buhay bilang Courtside Charmer ng Albay.
Bukod dito, kilala rin siya bilang ka-love team at isini-ship ng viewers at housemates sa Sparkle star na si Princess Aliyah.
Samantala, patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.