
Isa sa mga pinakakinakikiligan na housemates ngayon ay ang tambalan nina Fred Moser at Princess Aliyah. Kaya naman, tanong ng maraming nanonood ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ano na nga ba ang relationship status ng dalawa?
Sa pagbisita ni Fred, kasama ang kapwa former housemates na sina Anton Vinzon, Rave Victoria, at Clifford sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, deretsahan siyang tinanong ni King of Talk Boy Abunda.
“Nahulog ba talaga ang loob mo kay Princess? I saw that episode nu'ng sinabi ni Princess, alam ko nag-apologie kayo sa isa't isa, but that line, 'It cannot happen here.' Nahulog ka ba talaga kay Princess?” tanong ng batikang host.
Sagot ni Fred, “Tito Boy, I would say yes. Kasi 'yun naman, Tito Boy, ako ba naman, 84 days kaming magkasama araw-araw, and the house is like full of emotions talaga, and naturally just develop feelings talaga.”
Sabi ni Fred, sa ngayon ay mutual naman ang nararamdaman nila ng aktres para sa isa't isa. Ngunit saad ng Star Magic actor, marami pa silang kailangan pag-usapan sa labas ng Bahay ni Kuya.
BALIKAN ANG NAGING USAP-USAPAN NG NETIZENS TUNGKO SA 'PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION 2.0' HOUSEMATES SA GALLERY NA ITO:
Tinanong din ni Boy si Anton sa estado ng relasyon nila ni Krystal Krystal Mejes, na ikinagulat naman ng Sparkle star.
LINK:
“Saan po galing 'yung tsismis na 'yan? Pero I really admire her po talaga,” sabi niya.
Nang hingin naman ni Boy kung nasaan na ang paghanga na iyon ni Anton sa scale ng one to ten, sinabi ng aktor, “Maybe seven, seven. Gusto ko pa po siyang makilala and maging kaibigan pa.”
Inamin din ni Rave na nasasaktan siya sa pag-iwas ni Ashley Sarmiento sa kaniya, bagay na ipinaalam niya kay Kuya, lalo na at sobrang close siya sa Sparkle actress.
Paliwanag umano ni Ashley sa kaniya, “May part sa kaniya daw na masyado na daw siyang naka-focus sa 'kin. Kaya gusto daw niyang mag-focus muna sa sarili niya, Tito Boy. Like, laging ako daw kaya gusto niya muna mag-lock in muna sa loob bahay.”
Pagbabahagi ni Rave, nasaktan lang naman siya dahil hindi naipaliwanag ni Ashley nang maayos sa kaniya ang nararamdaman nito. Kaya naman siya na ang lumapit para humingi ng linaw sa aktres.
Panoorin ang panayam kina Anton, Rave, Clifford, at Fred sa video sa itaas.