GMA Logo fred moser
Courtesy: princessaliyah_20 (IG), ABS-CBN
What's Hot

Fred Moser, napansin na cold sa kanya si Princess Aliyah

By EJ Chua
Published December 27, 2025 6:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries now at 91 —DOH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

fred moser


Tanong ni Princess Aliyah kay Fred Moser sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0': “Kung sabihin kong friends lang muna?”

Tila nagkaroon ng ilangan sina Princess Aliyah (Sparkle) at Fred Moser (Star Magic) sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Sa episode na ipinalabas nitong Biyernes, December 26, nasaksihan ng viewers ang serious talk nina Princess at Fred.

Nagsimula ang kanilang pag-uusap sa pag-amin ng huli na napapansin niyang cold at tila umiiwas sa kanya ang una.

Sabi at tanong ni Fred, “I just noticed this past week kasi, we don't talk as much anymore like we used to. How do you exactly feel about me?”

Ayon kay Princess, napansin niya rin ang hindi nila madalas na pag-uusap ngunit para sa kanya ay wala namang nag-iba o nagbago.

Habang nag-uusap ay tila hindi convinced si Fred sa naging sagot ni Princess.

Pahabol ng huli sa una, gusto niya na gaya niya ay makipag close rin sana si Fred sa iba pa nilang mga kasama sa loob ng Bahay Ni Kuya.

“I still spend time with you and I just want to spend time rin with the other housemates and that makes me happy… Like me, I also want you to 'di ba, mas mag focus ka sa ibang housemates,” sabi ni Princess.

Nang marinig ito ni Fred ay agad naman niyang sinabi na nirerespeto niya ang desisyon nito.

Pahabol pang sinabi ni Princess kay Fred, “Kung sabihin kong friends lang muna? Would that stop

'Yung pago-overthink mo?”

“I don't know, I guess that'll help,” sagot naman ni Fred.

Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

Kabilang ang FredCess o tambalan nina Fred Moser at Princess Aliyah sa mga isini-ship ng housemates sa Big Brother house.

Bukod dito, kinakikiligan din sila sa outside world.

Ano kaya ang susunod na update sa samahan ng FredCess?

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito.

Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?

Sagutan ang polls sa ibaba: