
Inanunsyo na kung sinu-sino ang mga bagong nominado sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay, tatlong duos ang pinangalanan ni Bianca Gonzalez bilang mga nominado ngayong Linggo.
Una niyang binanggit ang FredCess (Fred Moser at Princess Aliyah).
Sunod naman na inanunsyo na kabilang din sa mga nominado ay ang KrysTon (Krystal Mejes at Anton Vinzon).
Ang huling duo naman na napabilang dito ay ang AshRave (Ashley Sarmiento at Rave Victoria).
Sa nagdaang tasks at challenges sa loob ng Bahay Ni Kuya, ang HeaGuel (Heath Jornales at Miguel Vergara) at CapQuin (Caprice Cayetano at Joaquin Arce) ang mga nanalo at nakaligtas sa nominasyon.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Sino kaya ang duos na magpapatuloy ng kanilang journey sa loob ng iconic house at sino kaya ang babalik na sa outside world?
Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong housemates.
Voting through Maya is now available and here's how you can join.
1. Download Maya application and sign up for free.
2. Log in to your account and make sure to cash in before voting.
3. Tap the Pinoy Big Brother or PBB icon
4. Vote or choose the housemate you want to save
5. Select denomination/amount and confirm your vote
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.