What's Hot

Freddie Aguilar, gustong magkaanak muli

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Gusto raw ni Ka Freddie ng twins!
By CHERRY SUN

 
Gusto nang magkaanak ni Freddie Aguilar sa kanyang batang asawa na si
Jovie Albao. 
 
“Gusto na nga namin as in yesterday. Siya, gustong gusto niya din. Pero wala pa. We are waiting for the time of Allah to give us our child,” pahayag niya sa panayam ng 24 Oras.
 
Higit pa riyan, nais daw ng ‘Anak’ singer na lalaki naman ang kanilang magiging anak. Aniya, apat na raw kasi ang kanyang anak na babae.
 
READ: Kambal nais ni Ka Freddie Aguilar at ng 18 year-old na asawa 
 
Matatandaang ikinasal ang folk musician sa kanyang asawa noong 2013.
 
Hindi man maganda ang naging pagtanggap ng kanyang anak na si Maegan Aguilar sa kanyang batang karelasyon, nirerespeto naman niya ang pagkakaroon nito ng di-umano’y 61-year-old na nobyo ngayon.
 
READ: Maegan Aguilar, nagsalita na tungkol sa kanyang bagong nobyo 
 
“Ang pakialam ko lang sa kanila is ‘yung pagtinanong ako, ‘Tay ano bang mas magandang gawin dito, ito or ito? Ibibigay ko ‘yung aking piece of advice bilang tatay nila,” sambit ni Ka Freddie.
 
Video courtesy of GMA News