Excited na si Frencheska dahil malapit nang ipalabas sa June 9 ang Emir. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya makapaniwala na sa unang pelikula niya ay bida agad siya.
“Hindi ko po ine-expect yung ganitong project. Inisip ko po noon pagkapanalo ko sa Are You The Next Big Star? na kung may darating po na project, hindi po ganitong kalaki at hindi po ganito ka-special. Kaya talagang pakiramdam ko po talagang binuhusan ako ni Lord ng sobrang laking blessing.”
“Ako po sobrang proud po ako sa movie. Sobrang proud po ako sa mga taong nakasama ko. Sobrang proud din po ako sa sarili ko dahil nagawa ko po itong ganitong klaseng project at natapos ko po ito nang maayos. Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng taong tumulong po sa akin lalung-lalo na sa GMA Artist Center sa pagsuporta sa akin. Pati sa lahat ng bumubuo ng Emir, especially kay Direk Chito Roño,” sabi ni Frencheska nang ma-interview siya ng Tweetbiz web.
Muntik na palang mag-backout noon sa audition si Frencheska nang makita niya na may mga celebrities siyang makakasabay sa audition. Ilan kasi sa mga nakasabay niya ay sina Yeng Constantino, Sitti at Karylle. Pero siya nga ang napili. Mabuti na lang at pinilit siya ng kanyang mommy na ituloy ang pag-audition. Pagdating naman kasi sa talent sa pagkanta ay hindi pahuhuli si Frencheska.
Originally din pala ay si KC Concepcion talaga ang gaganap sa role ni Frencheska bilang yaya na si Amelia. Pero dahil sa conflict sa schedule ni KC ay kinailangan itong palitan.
Nag-shooting pa sila sa Morroco para maging makatotohanan ang maraming mga eksena sa movie. Bukod kay Frencheska, kasama rin sa cast ng Emir sina Sid Lucero, Dulce, Julia Clarete, Jhong Hilario, Beverly Salviejo, Bayang Barrios at marami pang iba. -- Tweetbiz
Pag-usapan si Frencheska sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!