What's on TV

All-new episodes ng 'Prima Donnas,' mapapanood na ngayong November 9

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 28, 2020 1:16 PM PHT
Updated October 28, 2020 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together
OCD warns residents near Mayon Volcano about possible pyroclastic fall, ashfall
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas


Nami-miss n'yo na ba ang hit afternoon series na 'Prima Donnas?' Huwag mag-alala dahil simula November 9 ay mapapanood n'yo na ang fresh at new episodes nito.

Nami-miss n'yo ba ang bangayan ng tatlong Donnas at ni Brianna, at ang harapan nina Katrina Halili at Aiko Melendez bilang Lilian at Kendra?

Huwag nang mag-alala dahil simula November 9, fresh at new episodes na ulit ng Prima Donnas ang inyong mapapanood sa GMA Afternoon Prime.

Pansamantalang itinigil ang produksyon ng Prima Donnas noong March 2020 nang magdeklara ng community quarantine upang makaiwas sa COVID-19.

Matapos ang ilang buwan, humarap sa “new normal” ang mga bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward (Donna Marie), Althea Ablan (Donna Belle), Elijah Alejo (Brianna), Vince Crisostomo (Cedric), at Will Ashley (Nolan) nang sumabak sila sa 21-day 'lock-in taping' sa Antipolo, Rizal kung saan hindi sila puwedeng umuwi sa kani-kanilang mga bahay.

Kasama rin sa lock-in taping ang mga batikang aktor na sina Katrina Halili (Lilian), Wendell Ramos (Jaime), Aiko Melendez (Kendra), at Chanda Romero (Lady Prima).

Sa huling episode na ipinalabas noong March, dapat ay ikakasal na sina Jaime at Kendra pero hindi ito natuloy dahil kinailangang pumunta nina Donna Belle at Donna Lyn sa presinto kung saan nakakulong si Lilian.

Matutuloy pa kaya ang kasal nina Jaime at Kendra?

Bukod riyan, kailangan din abangan kung ano ang mangyayari kay Donna Lyn sa Prima Donnas.

Sa kasamaang palad, hindi nakasama ang 14 years old na si Sofia Pablo sa lock-in taping upang makasiguro na ligtas siya mula sa COVID-19.

Base sa kautusan na inilabas ng Department of Labor and Employment, 15 years old pataas lamang ang puwedeng makapagtrabaho habang mayroong umiiral na community quarantine.

Tumutok lang sa bagong episodes ng Prima Donnas simula November 9, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.