
Pagkatapos ng ilang buwan ng paghihintay dahil sa lockdown, mga bagong kuwentuwaan na ang mapapanood ngayong Linggo sa Dear Uge Presents.
Ngayong August 23, magsisimula na ang pagpapalabas ng fresh episodes ng nag-iisang comedy anthology sa bansa na Dear Uge Presents.
Sa darating na episodes, ipapakita ang bago at magagandang istorya na talaga namang katutuwaan at kapupulutan ng maraming aral kasama si Ms. Eugene Domingo.
Maaalalang nag-post na si Uge ng behind-the-scenes clip sa kanyang muling pagbabalik sa set.
Saad niya sa Instagram, “Much appreciation for all the staff, crew, and artists on our first #dearugepresents taping.
“We will give you fresh episodes soon. Thank you, loyal viewers! #kapitlangkapuso #practicingnewnormal.”
Abangan ang fresh episodes ng Dear Uge ngayong August 23 pagkatapos ng All-Out Sundays!