
May inihandang matinding palitan ng sagot sa Family Feud ngayong Martes!
Sa episode ngayong June 23, maghaharap ang Team Tangkad at Team Chinita na binubuo ng ilan sa mga newest and brightest stars ng Sparkle.
Maglalaro sa Team Tangkad sina Winston Stolk ng Campus Cutie, Mister International Philippines 2024 na si Justine Ong, musician-actor na si Andrei Fajardo, at Sparkle Campus Cutie na si Neathan Tan mula sa Cebu.
Samantala, makakatapat nila ang Team Chinita na binubuo nina gamer at live streamer na si Maika Kemmochi, Miss Chinatown Philippines 2025 na si Yza Uy, aktres na si Meghan Dionisio, at multilingual graduating student na si Jess Martinez.
Siguradong ipapakita ng Sparkle talents ang kanilang charm, wit, at competitive spirit para manalo.
Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong June 23, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.