What's Hot

Frida at Junjun ng 'Alyas Robin Hood,' masaya na muling mapabilang sa top-rating teleserye

By Michelle Caligan
Published August 4, 2017 4:29 PM PHT
Updated August 7, 2017 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



"Happy kami kasi panibagong blessings ito sa aming dalawa ni Anne." - Luri Nalus  

 

 

Hindi naitago nina Anne Garcia at Luri Nalus, ang mga gumaganap bilang Frida at Junjun sa Alyas Robin Hood, nang malamang makakasama pa rin sila sa sequel ng primetime series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

 

IN PHOTOS: Ang first taping day ng 'Alyas Robin Hood' Season 2

"Happy kami kasi panibagong blessings ito sa aming dalawa ni Anne. 'Yung pagtitiwala na binigay nila sa amin, 'yun po ang isa sa pinagpapasalamat namin," kuwento ni Luri sa isang panayam sa set ng programa.

Ani Anne, "Open ended 'yung ending niya, so marami ang nagtatanong [kung may Book 2]. Marami ang nag-e-expect. Nag-e-expect din kami, pero wala pa naman pong sinabi na sure na."

Natutuwa rin silang dalawa sa attention na nakukuha nila mula sa mga tao.

READ: Ano ang natanggap ni Frida ng 'Alyas Robin Hood' habang nasa MRT?

"Ganun pala talaga 'yun no? Susubaybayan ka talaga nila sa Instagram, sa Facebook. Lalo na sa Facebook, andaming nagpapadala ng friend requests (laughs). Nakakatuwa kasi naa-appreciate ka ng mga tao," saad ni Anne.