
Sa ikalawang bahagi ng Dear Uge Presents: Masahe is Key, sobrang in love na in love si Sharon (Yasmien Kurdi) kay Bernard (James Blanco) kaya naman naisipan n'yang mag-propose dito.
Ngunit sa kasamaang palad, tinanggihan ito ni Bernard sa rason na hindi pa siya ready sa lifetime commitment. Pero sa katunayan, talagang kasal na siya kay Maricel (Eugene Domingo).
Unti-unting natuklasan ang kanyang kasinungalingan nang malaman ni Sharon na kasal na pala ang kanyang flavor of the month sa kanyang favorite masseuse, no less!
Dahil dito, nag-panic si Sharon at nagalit sa kanyang jowa dahil hindi niya sinabi na siya pala ay isang married man at ginawa pa siyang kabit.
Sa gitna ng kanilang alitan, bigla-bigla rin pumasok si Maricel at nakita ang kanyang asawa at ang kliyente niya.
Source: Carlo del Prado - Dear Uge Presents
Lumabas na kaya ang katotohanan sa panloloko ni Bernard? Maging matalik na magkaibigan pa kaya sina Maricel at Sharon?
Alamin ang mga magaganap sa Dear Uge Presents: Masahe is Key (Part 2) kasama sina Eugene Domingo, Yasmien Kurdi, James Blanco, Maey Bautista, at Victor Anastacio ngayong Linggo, February 28 sa GMA-7.