Article Inside Page
Showbiz News
Samahan sina Manilyn Reynes at Jillian Ward sa 'My Bff' live chat ngayong Miyerkules, 3:00 to 5:00 pm (Philippine time). Mag-log on lang sa GMANetwork.com/livechat
By ANN CHARMAINE AQUINO

Ngayong October 1, ikukuwento nina Manilyn Reynes and Jillian Ward ang kanilang journey sa My BFF sa GMANetwork.com live chat.
Starting from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time), personal na sasagutin nina Manilyn and Jillian ang inyong mga tanong tungkol sa kanilang mga characters, mga pinagkakaabalahan outside showbiz tulad ng mga update sa kanilang personal life, at iba’t-ibang activities na kanilang kinahihiligan.
Si Manilyn Reynes ay gumaganap bilang Lyn, ang mapagmahal na ina nina Rachel (Mona Louise Rey) at Chelsea. Samantalang si Jillian naman ay gumaganap bilang Chelsea, ang anak nina Lyn at Christian [Janno Gibbs] na pumanaw matapos itong maaksidente.
Matapos ang aksidente, patuloy si Chelsea sa pagbabantay sa kanyang pamilya. Kasama rito ang kanyang pakikipagkaibigan sa kanyang kapatid na si Rachel.
Ano nga ba ang kahihinatnan ng mag-BFF na sina Rachel at Chelsea? Magkakaroon kaya ng happy ending sina Lyn at Christian?
Abangan kung may special guest na dadating para makisaya at makipagkuwentuhan sa mga chatters. Mag-log on lamang sa www.gmanetwork.com/livechat this Wednesday.