GMA Logo Ashley Sarmiento, Marco Masa
Courtesy: ashleysarmiento_IG, itsmemarcomasa IG
What's Hot

Friendship nina Ashley Sarmiento at Marco Masa, muling hinangaan sa Bahay Ni Kuya

By EJ Chua
Published January 26, 2026 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mexico president asks Korean counterpart for more BTS concerts
Foodpacks, gamot, vitamins at face mask, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Catanduanes
3 fires in Bacolod City struck over 40 houses

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento, Marco Masa


Marami ang nakapansin sa malalim na friendship nina Ashley Sarmiento at Marco Masa sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Reunited ang former Akusada stars na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa sa loob ng Bahay Ni Kuya matapos matagumpay na nakuha ng huli ang spot para makabalik dito bilang isa sa wildcard housemates.

Related gallery: The many times Ashley Sarmiento and Marco Masa made us go kilig

Sa nagdaang episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ipinasilip ang bagong mga eksena nina Ashley at Marco habang nagbibigay ng payo ang una para sa kababalik lang na housemate.

Napag-usapan ng dalawa ang journey ni Marco bilang wildcard housemate at ang ikinakatakot niya kung sakaling muli siyang lumabas sa Bahay Ni Kuya.

Pagbabahagi ng Sparkle actor, “Natatakot na ata akong bumalik [sa labas], not knowing kung papaano na lang…”

Kasunod nito, ilang encouraging lines ang binitawan ni Ashley upang palakasin ang loob ni Marco.

“I'm pretty sure na there's a lot of people after this na will see you na as Marco Masa, 'yung how we see you,” sabi niya.

Pahabol pa ni Ashley, proud siya kay Marco ngayong muli siyang nakabalik sa Big Brother House, “Bro, coming back in palang ako proud na ako sa'yo kasi grabe. “

Ayon kay Marco, umaasa siyang sana ay masaya ang kanyang pamilya at fans sa kung ano ang mga ginagawa niya ngayon sa Bahay Ni Kuya.

“Sana ngayon happy sila kung ano man 'yung nakikita nila sa akin ngayon,” pahayag niya.

Narito ang reaksyon at komento ng netizens sa solid na pagkakaibigan nina Ashley at Marco.

Samantala, bukod sa kahanga-hangang friendship nila, may dala ring kilig vibes sina Ashley at Marco sa Bahay Ni Kuya.

Kabilang din sila sa ilang Kapuso love teams na talaga namang sinusubaybayan ng viewers at netizens at kilala sila ng marami bilang AshCo.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.

www.gmanetwork.com/pbblivestream