What's on TV

Fritzie Magpoc, nakabalik sa 'The Clash'

By Jansen Ramos
Published December 14, 2020 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Samal faces water shortage; P100M water project pushed
LIVE UPDATES: Conflict in the Middle East (April 24, 2026)
This restaurant gives free food to PUV drivers

Article Inside Page


Showbiz News

fritzie magpoc the clash


Pinalitan ni Fritzie Magpoc si Yuri Javier sa pwesto nito sa 'The Clash' Season 3 Top 6.

Isang linggo bago ang finals, isa na namang exciting twist ang gumulantang Clash Nation.

Ito ay ang pagbabalik ng eliminated The Clash Season 3 contestants na sina Cholo Bismonte,Princess Vire, Shannen Montero, Niña Holmes, Audrey Mortilla, at Frtizie Magpoc.

The Clash 3 clashback

Naglaban-laban ang anim at sa huli, si Fritzie ang nakabalik sa Top of the Clash.

"Deserving akong bumalik, sa tingin ko, kasi puro biritera na sila. Kailangan magkaroon ng ibang timpla," matapang na pahayag ni Fritzie.

Sa puntong iyon, kailangan namang labanan ni Fritzie si Yuri Javier, ang Top 6 Clasher na nakakuha ng pinakamababang score mula sa The Clash panel na binubuo nina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Pops Fernandez.

Nagtapat sina Fritze at Yuri sa Matira Ang Matibay, kung saan ang una ang itinanghal na panalo. Sa madaling salita, si Fritzie ang pumalit sa pwesto ni Yuri sa Top 6.

Kinanta ni Fritzie ang "Proud Mary" na pinasikat ni Tina Turner.

Ayon kay Pops, tila isang "bakulaw" sa Fritzie dahil sa kanyang strong performance.

Ika ng concert queen, "Hindi mo in-own 'yung stage. Binili mo 'yung stage, inuwi, tapos dinala mo ulit dito at nag-perform ka muli sa amin. Iba kang klase, isa kang bakulaw. Parang sinabi mo, 'Ito ang aking performance at akin 'to. Mananalo ko."

"Natakot" naman si Aiai sa "nakakalokang" performance ni Fritzie.

Nakakatawang sambit ng komedyante, "Kunwari ako 'yung kalaban, hindi na ko lalaban. Sige, okay na. E di, ikaw na magaling."

Samantala, na-impress naman si Christian kay Fritzie matapos muling makapag-perform sa Clash arena.

Sabi ng Asia's Romantic Balladeer, "I am so happy that you laid out your heart, your voice, your talent, yourself on stage for the world to see. That was a very good performance."

Nagpasalamat naman si Fritzie sa mga sumuporta sa kanyang The Clash journey.

Sulat niya sa kanyang Facebook post, "Wui grabe kayo Clash-Nation, kayo ang tunay na malakas. Ilan lang 'to sa mga tweets n'yo naiiyak ako. Maraming salamat po!"

Wui grabe kayo Clash-Nation, kayo ang tunay na malakas. Ilan lang to sa mga tweets nyo naiiyak ako. Maraming salamat po! 😭😭😭❤️

Posted by Fritzie Magpoc on Sunday, December 13, 2020

Kasama ni Fritzie sa Top 6 sina Jessica Villarubin, Jennie Gabriel, Larnie Cayabyab, Sheemee Buenaobra, at Renz Robosa.

Matatandaang sumali si Fritzie sa second season ng The Clash, pero na-eliminate din sa round one.

Mapapanood ang finals ng third season ng The Clash ngayong Sabado, December 19, 7:15 p.m., at Linggo, December 20, 7:45 p.m., sa GMA-7.

Kung hindi n'yo man ito mapanood sa telebisyon, may livestreaming ang The Clash sa Facebook page at YouTube channel ng programa.