What's Hot

From onscreen to real life romance?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 24, 2020 8:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang pag-asa na dalhin ni Jennica Garcia ang kanyang onscreen romance with Carl Guevarra sa totoong buhay? Text by Karen de Castro.
Ano kaya ang pag-asa na dalhin ni Jennica Garcia ang kanyang onscreen romance with Carl Guevarra sa totoong buhay? Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. starsBantatay at ang Jejemom, mas lalong marami ang nakukumbinsi na malaki ang pag-asang maging true-to-life couple ang dalawa. Nanatili namang professional ang tingin nila sa isa’t-isa, kahit na puro papuri ang kanilang ibinibigay for each other. Minsan nang sinabi ni Carl na interesado siya kay Jennica, pero ayaw muna niyang haluan ng real-life romance ang kanilang working relationship. Ano naman ang masasabi ni Jennica about this? “Ako sobra akong natutuwa kasi una pa lang na nakatrabaho ko si Carl, sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, anlayo ng mararating mo,’” kuwento ni Jennica. “Sabi niya, ‘Bakit?’ ganyan. Sabi ko ‘E kasi ampogi mo tsaka ang ganda ng katawan mo’, which is true naman, maganda naman talaga yung katawan niya at pogi si Carl kaya ngayon na nakakatrabaho ko siya palagi, nakakatuwa. Saka sana masaya din siya na makatrabaho ako.” Ano naman ang masasabi niya sa pag-amin ni Carl na interesado siya sa kanya? “Baka natutuwa lang siya sa’kin. Kasi makulit ako e, baka lagi ko lang siyang napapatawa,” paliwanag niya. “Pero alam niyo, si Carl, nung una ko siyang nakasama sa trabaho, napakatahimik niya, tapos smile lang siya ng smile, pero ngayon, naku, nakikipaglabanan sa’kin sa pakulitan. In fairness.” Kung liligawan naman ba siya ni Carl, may pag-asa ba ang binata sa kanya? “Kahit sino naman, basta mapapakita niya sa’kin na, alam mo yun, na gusto niya talaga ako, gusto niya ang pamilya ko, wala namang magiging problema dun. At saka mabait yang si Carl, mabait,” pag-amin niya. Pag-usapan si Jennica sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Jennica. Just text JENNICA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) JENNICA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.