What's Hot

#FromTheArchives: Pag-aartistang nauwi sa paglalako

Published January 3, 2015 9:35 PM PHT
Updated February 21, 2020 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News



Naaalala n'yo pa ba noong ikinuwento nina 'StarStruck' alumnus Alvin Aragon at former SexBomb Girls member Izzy Trazona ang kanilang buhay mag-asawa sa 'Startalk?' This Monday, read up on past showbiz stories #FromTheArchives.
 
Hindi namamataan sa industriya ng showbiz ngayon si SexBomb dancer Izzy Trazona, pati na rin ang mister niyang si Starstruck Season 1 Avenger, Alvin Aragon. Mahigit dalawang taong na ring kasal ang dalawa at nabiyayan na rin sila ng dawalang supling—si Yanna noong August 2013, at si Zoey nito lang November 2014. 
 
Sa isang eksklusibong panayan sa Startalk, ipinasilip nina Izzy at Alvin ang kanilang buhay mag-asawa. 
 
"Wala namang perfect marriage eh. Nag-aaway rin kami ni Izzy. Pero marami na din nabago," ibinahagi ni Alvin. 
 
"Minsan talaga dumadating yung time na ang tagal [ng biyaya], pero nadadala po sa prayer," dadgdag ni Izzy.
 
Sumang-ayon naman si Alvin dito.
 
"Minsan mabigat talaga, mahirap talaga. Buti na lang may relationship kay Jesus. Napag-pe-pray, naibubuhos dun."
 
Kilalang aktibo ang dalawa sa kanilang church. Bukod dito, pagbebenta ang pinagkakaabalahan ng dalawa. 
 
"Marami kaming tinitinda. Jewelry, bags, marami. Kung ano'ng pwede naming itinda, itinitinda namin. Kapag walang project, 'yun po yung source of income namin. Minsan malaki yung nakukuha naming profit, minsan mababa lang. Hindi po parepareho," bahagi ni Izzy.
 
"Minsan naglalakad kami from Galleria, wala kaming pamasahe. Naka-tricycle kami, mainit, kasama si Yanna, buntis pa [si Izzy]," kwento ni Alvin noong nagsisimula pa lamang sila sa kanilang business. 
 
Naikuwento niyang humiling sila sa Diyos ng sasakyan. Dumating naman noong araw na iyon mismo ang kasagutan sa kanilang mga dasal nang nag-invest ang ninang nila ng pera para sa kanilang negosyo. Ito naman ang ipinang-buy and sell nila. 
 
"Answered prayer," ani Alvin.