
Once upon a time in local showbiz, naging mainit ang awayang Regine Velasquez at Gelli De Belen nang maugnay ang singer sa asawa ng TV host/actress na si Ariel Rivera maraming taon na ang nakalilipas. Magkasintahan pa lang noon sina Ariel at Gelli nang maugnay ang Songbird.
Taong 2003 noong nag-guest si Regine sa talk show na SiS kung saan isa sa mga host si Gelli.
First time mag-guest ng singer at ika niya, excited siyang makapag-promote ng kanyang mga show doon at chance na rin niya ito para humingi ng kapatawaran kay Gelli.
Sa kanilang one-on-one interview, deretsahang tinanong ni Regine si Gelli kung nagalit ba ito sa kanya. Mabilis na sagot ni Gelli, “Oo naman! Alangan namang matuwa ako, ‘di ba? Nagulat ka ba na nagalit ako sayo?”
“Actually, hindi. Ine-expect ko galit ka,” pag-amin ni Regine.
Perfect timing daw ang pag-guest noon ni Regine para magkaroon na ng linaw ang kanilang alitan noon.
Ani Regine, “Actually, I was happy na tinanong nila ko to guest. I was waiting for it for a long time and kinakabahan ako ngayon because we haven’t really talked for a long time. Actually, hindi pa talaga kami nagkikita ng ganito. You know what, it’s funny na napapaginipan ko na kausap kita, I don’t know for some reason and it’s a recurring dream.”
Lalo pang lumalim ang kanilang usapan noong inihayag ni Regine kay Gelli ang pinaniniwalaan niyang closure nila ni Ariel.
Kwento ni Regine, “Remember when Ariel and I had a show in the States, before that, we just broke up, so before that medyo aaminin ko na nag-ho-hope ka pa na magkakabalikan kami, but when I saw you, guys, in the airport, you looked like a couple. You really are a couple and never really thought that we were a couple and I wanted to die.”
Dagdag niya, “Alam mo ‘yung gusto mong gumuho ‘yung airport kasama ka. N’ung nasa eroplano ko katabi ko sila d’yan, gusto kong tumalon sa eroplano kasi ganu’n pala ‘yun, makikita mo na tapos na talaga. ‘Yun na ‘yun.”
“That was the end and I had a hard time and that’s why it was very painful for me to see na kayong dalawa na you look like a real couple and I never really thought we were and that’s why I understood why you were angry with me because whatever pain you felt when he left, I also felt it,” pag-amin ni Regine.
Aminado naman si Gelli na di siya aware sa tunay na naramdaman ni Regine noon. Aniya, “Obvious naman, that time, ‘di naman ako conscious sa mga nararamdaman mo, conscious lang ako sa mga nararamdaman ko.”
Nauunawaan ni Regine ang ikinilos ni Gelli noong panahong iyon at ika niya, hanga siya sa pagiging totoo nito sa sarili.
“If I was in your place, I would feel the same way, pero I guess I didn’t appreciate the fact that everytime na I would say hello, you wouldn’t even look at me.
"I did not appreciate that but I understood why. I understand perfectly and now habang tumatanda tayo, mas naiitindihan ko ‘yung fact na ‘wag ka na lang din mag-effort kung pa-plastikin mo din naman. Mas mabuti na ‘yun sa’kin,” bahagi niya.
Aminado si Gelli na matagal niyang kinimkim ang galit niya sa singer ngunit humupa rin ito noong nailahad na sa kanya ang tunay nitong nararamdaman.
Saad niya, “Ngayon lang humupa ‘yung galit ko, tsaka effort ito na ‘yung trying to [move on] lately na lang, kasi naiisip ko parang, okay na, madami namang blessings si Lord, ano ba naman na ibigay ko ito, ikabubuti ko naman tsaka ikagagaan din naman ng loob ko. Tumatanda na din ako, siguro it was really time, bask in it all you want and after a while, tama na."
Sa huling parte ng kanilang harapan, nagkabati rin ang dalawa at malugod nilang tinanggap ang hinaing ng isa’t isa.
Mensahe ni Regine kay Gelli, “Thank you finally natanggal na ‘yung galit mo sa’kin kasi alam ko ‘yung totoo, parang hindi din ako natuwa na nagalit ka sa’kin. And I also did not mean to hurt you and you have to know that. I just also fell in love. But now that it’s over, it’s finished, I’m glad that you’re also moving on.”
“Gelli, he broke up with me because he said he loves you. He admitted it to me that he loved me but he loves you more that’s why he’s with you.”
Sagot naman ni Gelli, “I’m really glad there’s closure to this, I’m glad you’re here and, well, in the days to come, I hope that we’ll see each other at least ‘di na tayo weird. I hope you’re happy now, you’re so successful and you deserve all the success ‘cause I see you really work so hard.”
Taong 1997 ikinasal si Gelli sa singer na si Ariel Rivera at may dalawa silang anak na sina Joaquin at Julio na parehong nag-aaral sa Canada. Happily married naman si Regine sa singer-songwriter na si Ogie Alcasid at may isa silang anak na nagngangalang Nate.
Nitong nakaraang Sabado lamang, July 7, si Gelli naman ang nag-guest sa show ni Regine na Sarap Diva kasama ang kanyang pamangkin na si Inah De Belen.