GMA Logo Dear Uge
What's on TV

Full episodes ng 'Dear Uge,' libre nang mapapanood online!

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 16, 2020 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mideast war traps 20,000 seafarers, 15,000 cruise passengers in Gulf
GMAKF, nagpapatayo ng 2-storey Kapuso school building sa Malitbog Elementary School | 24 Oras
DTI: Price hike for goods, other items needs agency's approval

Article Inside Page


Showbiz News

Dear Uge


Balikan ang ilan sa mga nakakatawang mga episode ng 'Dear Uge' sa YouLol YouTube channel!

Sa loob ng apat na taon, marami nang napangiti at napatawa ang comedy anthology na Dear Uge na pinangungunahan ng award-winning comedienne na si Eugene Domingo.

Bukod kay Eugene, naging parte rin ng Dear Uge sina Dave Bornea, Jak Roberto, Jelai Andres, at Jo Berry.

Ngayong 2020, mapapanood niyo na nang buo ang ilan sa mga episode ng Dear Uge sa YouLol channel bilang parte ng ikalawang YouTube Super Stream.

Ibig sabihin, mapapanood n'yo na nang libre ang ilan sa mga nakatutuwang episode ng Dear Uge!

Isa sa mga episode ng Dear Uge na available na online ay ang 2016 episode kung saan ginampanan nina Jake Vargas at Julian Trono ang torpeng magkaibigan na sina Marvin at Thomas.

Nawala ang katorpehan ng dalawa nang makilala nila ang hot chick na si Kelly, na ginampanan ni Kim Domingo.

Panoorin:

Bukod sa Dear Uge, marami pang Kapuso shows ang puwedeng mapanood nang buo at libre sa YouTube channels ng GMA Network tulad ng Bubble Gang, Pepito Manaloto, at Celebrity Bluff na parte rin ng YouTube Super Stream.

Nakipag-partner ang YouTube sa ilang television at movie producers sa Pilipinas para maging available nang libre ang ilan sa mga pelikulang Pilipino at teleserye upang maraming magawa ang mga tao habang nasa loob ng bahay.

Bisitahin lang ang YouTube channels ng GMA Network o pumunta sa GMANetwork.com upang mabalikan ang ilan sa mga tumatak na programa ng GMA.