GMA Logo Kapuso Weekend Watchfest
What's Hot

Full episodes ng ilang Kapuso shows, mapapanood sa GMA Network Facebook page

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 9, 2020 4:52 PM PHT
Updated December 9, 2020 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Missing bride-to-be na si Sherra de Juan, sa Pangasinan nakita
Bentahan ng paputok sa Dagupan City, bente kwatro oras na | One North Central Luzon
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Weekend Watchfest


Simula December 11, mapapanood nang libre ang full episodes ng ilang teleserye na nagpasaya at nagpakilig sa ating lahat sa Facebook page ng GMA Network!

Gusto mo bang mapanood ang full episodes ng iyong paboritong Kapuso teleserye sa Facebook? Huwag nang mag-alala dahil sa Kapuso Weekend Watchfest, may pagkakataon na kayong balikan ang Kapuso shows na nagbigay ngiti sa ating mga mukha at nagpakilig sa ating mga puso.

Simula December 11, kada-linggo ay may i-a-upload na tig-10 episodes ng The Rich Man's Daughter tuwing Biyernes, Someone to Watch Over Me tuwing Sabado, at Let The Love Begin tuwing Linggo, sa GMA Network Facebook page.

Sa The Rich Man's Daughter, ginampanan ni Rhian Ramos ang mayamang tagapagmana na si Jade. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ma-i-in love si Jade sa isang feminine lesbian na si Althea (Glaiza De Castro).

Dahil hindi tanggap ng pamilya ni Jade ang kanyang relasyon kay Althea, may mga plinano silang gawin upang masira ang pag-iibigan ng dalawa.

Magtagumpay kaya ang pamilya ni Jade na wakasan ang pag-iibigan nila ni Althea?

Bumida sina Rhian Ramos at Lovi Poe sa LGBTQIA+ themed series na 'The Rich Man's Daughter.'

Sa Someone to Watch Over Me, binigyang buhay ni Tom Rodriguez ang karakter na si TJ Chavez, ang butihing asawa ni Joanna (Lovi Poe).

Dumaan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon nang ma-diagnose si TJ na may early-onset Alzheimer's disease. Dahil sa kanyang sakit, unti-unting nakalimutan ni TJ na asawa niya si Joanna dahil ang naaalala niya ay ang kanyang ex-girlfriend na si Irene (Max Collins).

Mahal na mahal ni Joanna si TJ kaya hinayaan niyang tumira sa kanilang bahay si Irene, pero hanggang kailan magagawa ni Joanna na ipagpalit ang kanyang kaligayan para sa kanyang asawa?

Someone to Watch Over Me on Kapuso Weekend Watchfest

Bumida sina Tom Rodriguez, Lovi Poe, at Max Collins sa drama-romance series na 'Someone to Watch Over Me.'

Sa Let the Love Begin, ginampanan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sina Erick at Pia, na naging magkababata dahil radio partners ang nanay ni Pia na si Jeni (Aiai Delas Alas) at tatay ni Erick na si Tony (Gardo Versoza).

Best of friends man na maituturing, kinalaunan ay nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa dahil nagkagusto si Jeni kay Tony, pero may iba itong mahal.

Matapos ang sampung taon, muling nagkrus ang landas nina Erick at Pia, na aso't pusa man ang turingan noong bata pa sila, naging espesyal pa rin sila sa isa't isa.

Maipagpapatuloy kaya nina Erick at Pia ang kanilang pagkakaibigan kahit na hindi maganda ang friendship ng kanilang mga magulang?

Let the Love Begin

Bumida sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa drama romance comedy series na 'Let the Love Begin.'

Kung may episode kang nakaligtaan panoorin, huwag mag-alala dahil hindi agad mawawala ang mga videos na 'yan sa Facebook. Good news din sa mga Kapuso natin abroad dahil available ang mga ito worldwide with English subtitles.

Ano pang hinihintay ninyo? Bumisita na sa GMA Network Facebook page at panoorin ang The Rich Man's Daughter, Someone to Watch Over Me, at Let the Love Begin.