
Parami na nang parami ang tumutumok at na-i-in love sa primetime series ng GMA na The World Between Us na pinagbibidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.
Mula noong mga bata pa ang mga karakter nina Alden, Jasmine, at Tom na sina Louie, Lia, at Brian, positibo ang naging reaksyon ng mga manonood lalo na't ginampanan ito nina Izzy Canillo , Shanelle Agustin, at Will Ashley.
Ngayong gabi, July 9, mapapanood na sina Alden, Jasmine, at Tom kaya naman kung may hindi kayo napanood na episode, h'wag mag-alala dahil libreng mapapanood ang full catch-up episodes ng The World Between Us online.
Pumunta lamang sa GMANetwork.com o mag-download ng GMA Network App upang mapanood ang past episodes ng The World Between Us at iba pang Kapuso shows.
Samantala, kilalanin ang iba pang mga karakter sa The World Between Us sa gallery na ito: