
Ngayong January 13, ipinakita na ng GMA Public Affairs ang full trailer ng kaabang-abang na handog nitong The Lost Recipe.
Sa unang pagkakataon, bibida sa The Lost Recipe ang tambalang Mikee Quintos at Kelvin Miranda o #MiKel. Makakasama rin nina Mikee at Kelvin sa fantasy romance series na ito si Paul Salas.
Makikita sa full trailer na ito ang istorya nina Chef Harvey (Kelvin) at Chef Apple (Mikee). Ipinasilip na rin ng The Lost Recipe ang mamumuong love triangle kina Chef Harvey, Chef Apple, at kay Frank (Paul).
Hindi naman napigilan ng ilang netizens ang magbahagi ng kanilang paghanga nang kanilang mapanood ang bagong handog na ito na mapapanood sa GMA News TV.
Ilan sa mga nag-comment ay nagsabing mala-pelikula ang dating ng The Lost Recipe, dahil na rin sa karamihang naipakitang eksena ay pinag-isipan at pinagpaguran ng buong The Lost Recipe team.
Ayon kay Marc Koh, “Wow. Ang ganda parang movie pinapanood ko. Haha. Excited na.”
'Di rin mapigilan ni Noel Cee ang kanyang excitement sa kanyang napanood. Saad niya sa kanyang comment, “Kakaibang kwento. Excited na ako sa Monday.”
Photo source: Facebook
May pakiramdam naman si Grg Villalobos na ang The Lost Recipe na raw ang magsisimula ng panibagong "era" ng Philippine TV. “I officially announce the new era of Philiippine TV series this 2021!”
Photo source: Facebook
Si Daneshelle Dource ay natuwa na umano kahit teaser pa lamang ang kanyang napapanood.
“Wowww!! Sobrang ganda po teaser pa lang. super duper maganda pa pag napalabas na sa GMA News TV. Super nae-excite na akong mapanood ang The Lost Recipe. Pinaulit ulit ko pong panoorin. Sobrang ganda po talaga parang K-Drama lang pero mas maganda pa dun.”
Photo source: Facebook
Bukod sa kanila, marami pang nagpahayag ng kanilang excitement at papuri sa programa.
MARAMING SALAMAT PO SA MAGAGANDANG FEEDBACK! 🥳🥳🥳 Patikim pa lang 'yan, abangan ngayong January 18, 8PM, ang pilot...
Posted by The Lost Recipe on Wednesday, January 13, 2021
Abangan ang kapana-panabik na istorya nina Chef Harvey at Chef Apple sa The Lost Recipe ngayong January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.
Kilalanin ang cast na makakasama nina Mikee, Kelvin, at Paul sa The Lost Recipe sa gallery na ito: