GMA Logo underage trailer
What's on TV

Full trailer of 'Underage' reaches 1M views on Facebook!

By Dianne Mariano
Published January 16, 2023 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

underage trailer


Umani na ng mahigit 1 million views ang full trailer ng kaabang-abang na Kapuso drama series na 'Underage' sa Facebook.

Marami na ang nag-aabang sa kuwento at aral na mga mapupulot sa pinakabagong afternoon drama series na Underage, na pinagbibidahan nina Kapuso actresses Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Ilang araw lamang matapos i-post sa social media ang full trailer ng nasabing serye ay umabot na agad ito sa mahigit one million video views sa Facebook page ng GMA Drama at patuloy na inuulan ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Ipinakita sa 13-minute trailer ang simple at masayang buhay ng pamilya Serrano na magbabago dahil sa isang viral video na kinasangkutan ng magkakapatid na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes).

Marami sa netizens ang excited nang mapanood ang unang pasabog sa hapon ngayong 2023 dahil ganda ng istorya at mahahalagang mga aral na mapupulot mula rito.

Kabilang sa star-studded cast ng Underage sina Kapuso actors Gil Cuerva, Nikki Co, at Vince Crisostomo.

Mapapanood din dito ang mga mahuhusay at batikang aktor na sina Sunshine Cruz at Snooky Serna, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez, at Jome Silayan.

May espesyal na partisipasyon naman si actor-comedian Smokey Manaloto sa Underage.

Abangan ang world premiere ng Underage mamayang 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via livestream sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG UNDERAGE PICTORIAL SA GALLERY NA ITO: