GMA Logo Kate Valdez and Fumiya Sankai
Source: valdezkate_ (IG)
What's on TV

Fumiya Sankai, may birthday wish para kay Kate Valdez

By Kristian Eric Javier
Published August 18, 2025 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez and Fumiya Sankai


Alamin ang birthday wish at plans ni Fumiya Sankai para sa kaarawan ni Kate Valdez.

Ipagdiriwang na ni Kapuso star Kate Valdez ang kaniyang kaarawan ngayong August 21. Kaya naman, ang boyfriend niyang si Fumiya Sankai, may special message at plans para sa kaarawan niya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 15, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung mayroon na bang plano sina Fumiya at Kate para ipagdiwang ang kaarawan ng aktres. Ayon sa Japanese vlogger at actor, plano niyang dalhin muli ang Kapuso star sa Disneyland sa Japan.

“Yes po. I want to go to Japan with her, then to Disneyland. 'Cause she loves Disney, and like last year, we celebrated her birthday in Disneyland, Hong Kong. This time, Japan,” sabi ni Fumiya.

Pagbabahagi ni Kate, alam umano ni Fumiya kung gaano kalaking fan siya ng Disney kaya naman sobrang memorable nito para sa kaniya at sa kanilang dalawa.

Hiningan din ng batikang host si Fumiya ng birthday wish para sa kaniyang girlfriend, na unang sinabi nito sa Japanese, bago isinalin sa Ingles.

“At first, happy happy birthday, thank you for [being] born into this world, and I want to be with you forever. So let's enjoy our life together,” sabi ni Fumiya.

BALIKAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA KATE AT FUMIYA SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagsimula ang usap-usapan na nagde-date sina Kate at Fumiya nang mag-post ang aktres ng ilang litrato nila sa Hong Kong Disneyland sa kaarawan din niya.

Sa panayam sa kaniya ni Lhar Santiago para sa 24 Oras noong September 5, ibinahagi ng Sparkle actress ang real score sa pagitan nila ni Fumiya.

“Sobrang happy kami sa isa't-isa, sa presence ng isa't-isa,” sabi ni Kate.

Ipinahayag din ng aktres kung gaano siya kasaya at ka-grateful sa Japanese vlogger at actor, at ibinahaging ang naturang Disneyland trip ay regalo nito sa kaniya.

Panoorin ang panayam kina Kate at Fumiya rito: