
Ngayong Linggo, ipapakita sa Farm to Table na kahit simpleng paraan ng pagluluto, kapag tama ang pagkakagawa, puwedeng gawing espesyal.
Sa April 26, ipapaliwanag ni Chef JR Royol ang iba't ibang cooking methods tulad ng searing, frying, roasting, grilling, at sautéing. Ito ang mga basic na cooking technique na malaking tulong para mas sumarap ang luto. Asahan din ang masarap na handaan ng iba't ibang ulam na may isda, manok, at baboy.
Samantala, makakasama natin sina Keanna Reeves at Scott Lomboy sa kanilang cozy na Celeb Café. Matitikman dito ang mga paboritong Pinoy comfort food tulad ng tapa, Hungarian sausage, at iba pa. Mas lalo pang magiging masaya ang linggong ito dahil sa kanilang kuwento bilang mag-partner sa buhay at negosyo.
Mapapanood din si Cheska Fausto na masayang lulutuin ang espesyal na Dinuguan Con Gata na recipe ng kanyang lola. Mas magiging emosyonal at makabuluhan pa ito sa paglabas ng kanyang ina.
At para sa dagdag kaalaman, may hatid ding tips at sagot sa mga tanong si Chef JR tungkol sa pagkain at pagluluto sa Fresh Farm FAQs.
Fun, flavor, at farm-fresh inspiration ang hatid ng Farm to Table ngayong Linggo, April 26, 6:50 p.m. sa GTV
Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Behind-the-scenes on the set of 'Farm to Table'