
Kasalukuyang pinag-uusapan online si Heart Evangelista at ang fur baby na si Panda.
Kamakailan lang kasi ay nag-viral ang pagpapasuot ng actress at fashion icon ng isang Bulgari necklace sa kanyang pet dog. Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens, ngunit karamihan sa mga ito ay ipinaabot ang kanilang positive comments.
Ang fur parents naman na nakaalam sa ginawa ni Heart ay masayang ibinida ang kanilang fur babies na pinagsuot din nila ng mamahaling jewelries at accessories.
Bukod sa adorable photos ng kanilang fur babies, pare-parehas din nilang nilagyan ng texts na #HeartMadeMeDoIt at #PandaMadeMeDoIt ang kanilang posts.
Sa Instagram Stories, makikita ang napakaraming posts ng fur parents na ini-reshare ni Heart sa kanyang account.
Narito ang ilan sa posts ng netizens na nagpapakitang nakasuporta sila kina Heart at Panda:
Samantala, ayon kay Heart isang prim and proper na aso si Panda.
Sa ilan sa kanyang posts, makikitang isa na ring certified fashionista si Panda gaya ng kanyang fur mom na kilala rin bilang Queen of Creative Collaboration.
RELATED CONTENT: Heart Evangelista and her fabulous fur baby Panda