GMA Logo Isko Moreno Buboy Villar
What's on TV

'G sa Gedli' ng 'Eat Bulaga' kasama sina Isko Moreno and Buboy Villar nagpasaya sa Dipolog City

By Jimboy Napoles
Published July 17, 2023 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Matet de Leon is fed up with the 'mana' issue hounding them since Nora Aunor's death: 'Nakaka suka na' 
Time for Ateneo to look beyond Jesuit leadership
Happy ToGetHer: Patay na BF, muling nabuhay! (YouLOL)

Article Inside Page


Showbiz News

Isko Moreno Buboy Villar


Naghatid ng saya at tulong ang “G sa Gedli” ng 'Eat Bulaga' kasama sina Isko Moreno at Buboy Villar sa Dipolog City.

Mas pinalawak na ang matutulungan ng segment ng Eat Bulaga na “G sa Gedli” at umabot na ito sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte kasama ang hosts na sina Yorme Isko Moreno at Buboy Villar.

Sa July 17 episode ng Eat Bulaga, napanood ang paglilibot nina Isko at Buboy sa ilang lugar sa Dipolog City upang magbigay ng “G” ginhawa sa ilang mga kababayan sa gilid o “Gedli.”

Mainit naman na sinalubong ng mga taga-subaybay ng programa sa Dipolog City sina Isko at Buboy.

Isa sa na-corner nina Isko at Buboy upang matulungan ay ang matandang tindera ng gulay sa gedli na si nanay Herminia Herado.

Ayon kay nanay Herminia, matagal na siyang sidewalk vendor ng mga gulay, may dalawa siyang anak, at apat na apo. Ang kanilang pinaka-pinagkukunan ng pera ay ang kaniyang hanap-buhay na pagtitinda.

Nais sana ni Isko na i-level-up ang lalagyan ng mga gulay ni nanay Herminia sa pagtitinda pero tumanggi siya rito.

“Okay na ako rito, kahit walang lamesa, okay na ako,” ani nanay Herminia.

“Pero dagdagan natin ang paninda mo, sasaya ka doon?” tanong ni Isko sa matanda.

“Opo,” agad naman na sagot ni nanay Herminia.

Dito ay nakatanggap ang vegetable vendor na si nanay Herminia ng P10,000 mula sa Eat Bulaga at ilang gift items mula sa sponsor ng programa.

“Very big thank you,” pasasalamat ni nanay Herminia sa Eat Bulaga.

Bukod kay nanay Herminia, nakapagbigay din ng tulong sina Isko at Buboy sa tindero ng chicken skin na si Pipoy na tubong Dipolog City.

Siya ay nakatanggap ng P9,000 mula sa Eat Bulaga at ilang mga regalo rin mula sa mga sponsor.

Sa paglilibot pa nina Isko at Buboy, marami pang mga taga-Dipolog ang nabiyayaan ng tulong mula sa Eat Bulaga.

Samantala, mula sa Luzon, at Mindanao, nakatakda ring magtungo ang “G sa Gedli” kasama sina Isko at Buboy sa Visayas, upang magpasaya ng mga kababayan doon.

Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 noon, at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.