GMA Logo g22 concert
Source: Kristian Eric Javier
What's Hot

G22, excited and grateful for their first-ever concert

By Kristian Eric Javier
Published July 7, 2026 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prosecution says Sara Duterte defense made no categorical claim of her innocence
Ashley Ortega, Roxie Smith, Elle Villanueva are stylish in Vietnam
LIVE - Impeachment Trial of VP Sara Duterte - DAY 2 (July 7, 2026) | GMA News Special Coverage

Article Inside Page


Showbiz News

g22 concert


Grateful ang P-Pop girl group na G22 sa kanilang fans na naging dahilan para gawin ang kanilang unang solo concert.

Excited na ang P-Pop's Female Alphas na G22 sa nalalapit nilang concert ngayong July 12. Grateful din sina AJ Yape, Alfea Zulueta, at Jaz Henry sa kanilang fans na nagtulak sa kanila para matuloy ang concert.

Gaganapin ang The Eve of an Alpha: The First Concert ng G22 sa Linggo, July 12, 7:00 p.m. sa New Frontier Theater. Ito rin ang kauna-unahang solo concert ng girl group.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa G22 nitong Lunes, July 6, ibinahagi nina AJ, Alfea, at Jaz kung gaano sila ka-excited sa nalalapit nilang concert, lalo na at gaganapin ito sa New Frontier Theater.

“It's a 360 moment for us. The first time we felt na nag-debut na kami and the love for the people was in New Frontier. Ngayon na first concert namin, New Frontier ulit, excited kami ma-feel ulit 'yung nagpa-ignite nung fire sa mga puso namin,” sabi ni AJ.

Sabi ni Jaz, milestone event din ito para sa kanila lalo na at parte ito ng kanilang bucket list kahit noong nagsisimula pa lang sila.

“It's been in our bucket list since the very beginning, like when we were setting our goals, and to finally have it around the corner and perform our songs that we worked on, we wrote, and to really be a part of everything and with our dream team, sobrang grateful at sobrang kinakabahan kami, pero exciting!” sabi ni Jaz.

KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG G22 SA GALLERY NA ITO:

Aminado naman si Alfea na sobrang kabado silang gawin ang concert na ito. Sa katunayan, ang kanilang fans pa nga ang nagtulak sa girl group na mag-concert.

“Binigyan nila kami ng lakas ng loob and binigyan nila kami ng assurance na kung ano man 'yung takot na nararamdaman namin, na bakit hindi pa namin kaya or iniisip before na mag-concert, binigay nila sa 'min 'yung assurance na 'Nandito kami sa likod n'yo, G22, and ipu-push namin kayo,' and hindi nila kami iiwan,” sabi ni Alfea.

Sabi ni Jaz, ang kanilang fans din ang naging testimony nila na gumagana ang kanilang adbokasiya at unti-unti na nilang naaabot ang kanilang mga pangarap.

“Sila na 'yung bumibili ng tickets and supporting our album, sila po talaga 'yun,” sabi ni Jaz.

Marami din umanong dapat abangan ang mga manonood sa kanilang concert bukod pa sa special stages and bagong stages nila.

“And [may] mga bagong maririnig from us. Hindi na natin sasabihin kung ano 'yan, pero for sure, meron at meron,” sabi ni Alfea.

Pangako naman ni Jaz, “Kasi 'yung mga kanta namin, for sure the Bullets have watched it live some place. Pero this time, we're gonna give them a little sprinkle. But we're preparing the best of G22. Don't you worry.”

Abangan ang The Eve of an Alpha: The First Concert ng G22 ngayong Linggo, July 12, 7:00 p.m. sa New Frontier Theater.