GMA Logo G22 upcoming concert
source: g22official_/IG
What's Hot

G22, may kinakatakutan nga ba sa nalalapit na first solo concert?

By Kristian Eric Javier
Published July 8, 2026 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOE inspecting gasoline stations amid reports of diesel running out
Batac hosts West Philippine Sea dialogue
Indie pop rock band Hingalima channels emotions into music

Article Inside Page


Showbiz News

G22 upcoming concert


Sa papalapit na concert ng G22, meron pa bang takot at kaba na nararamdaman ang P-Pop's Female Alpha?

Excited at kinakabahan ang P-pop's Female Alphas na G22 sa nalalapit nilang “The Eve of an Alpha: The First Concert” ngayong Linggo, July 12, 2026, 7 p.m. sa New Frontier Theater.

Dahil ito ang kauna-unahan nilang solo concert, inamin ng mga miyembro ng naturang girl group na sina AJ Yape, Alfea Zulueta, at Jaz Henry na marami silang kinatatakutan para sa nalalapit nilang concert.

“Sobrang dami, naghahalo-halo sila. Pero siguro 'yung isa sa mga pinakaumaangat sa 'kin, and feeling ko sa 'ming tatlo, 'yung hindi namin maipakita 'yung best selves namin sa concert, hindi namin mabigay nang todo,” sabi ni Alfea.

Pero paglilinaw ng singer, lubos naman nilang pinaghandaan ang kanilang concert at sinigurado na ang mapapanood ng kanilang fans, ang Bullets, ay ang best version ng G22.

“Pero isa 'yun sa mga winowork-on namin, sobrang tagal pa lang, kaya before the concert, nagwo-work na kami sa mga katawan namin para maging healthy, healthy mind, healthy voice, para the best version of G22 talaga,” sabi ni Alfea.

KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG G22 SA GALLERY NA ITO:

Dahil nga pinipilit ng naturang girl group na maging best selves nila sa concert, inamin ni Jaz na natatakot siyang baka hindi nila ma-enjoy ang kanilang concert.

“It's our first concert, so gusto ko talaga, we enjoy, and we look at each other after the concert, kasi G22 talaga, ganiyan, na parang 'Ay, we could've done better here.' I hope we look at each other after the concert and say 'Grabe, we did it!'” sabi ni Jaz.

Inamin din ni Alfea na sobrang kinakabahan sila sa nalalapit nilang concert. Sa katunayan, ang fans pa nga ang nagtulak sa kanila para ituloy ito. Kaya naman, very thankful ang G22 sa kanilang Bullets (ang official fandom name ng grupo).

“Binigyan nila kami ng lakas ng loob and binigyan nila kami ng assurance na kung ano man 'yung takot na nararamdaman namin, na bakit hindi pa namin kaya or iniisip before na mag-concert, binigay nila sa 'min 'yung assurance na 'Nandito kami sa likod n'yo, G22, and ipu-push namin kayo.' and hindi nila kami iiwan,” sabi ni Alfea.