GMA Logo gabbi garcia
What's Hot

Gabbi Garcia, affected sa 'PBB' nominations

By Nherz Almo
Published June 14, 2025 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

gabbi garcia


Mixed emotions daw ang nararamdaman ni Gabbi Garcia sa nalalapit na pagtatapos ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

"I'm having the time of my life."

Ito ang komento ni Gabbi Garcia nang tanungin tungkol sa kanyang hosting stint sa hit reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ayon sa actress-host, sobrang napalapit na sa kanya hindi lang programa pati na ang mga taong bumubuo nito.

"It's so fun and na-attach na ako kay Kuya, sa Bahay ni Kuya, sa housemates. Malapit na ang big night, so yun ang pinaka nilo-look forward ko," ani Gabbi nang sandali siyang makausap ng GMANetwork.com sa World of Gin Day celebration ng Ginebra San Miguel noong June 10.

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

Katulad ng mga masugid na manonood ng programa, inamin ni Gabbi na apektado rin siya ng nangyayaring nominasyon sa pagitan ng PBB housemates.

Paliwanag niya, "You know, it's hard not to feel attached, especially naging house guest din ako for a couple of days. So, iba rin talaga yung energy kapag nomination night. Kahit sino pa 'yan, talagang may bigat, may lungkot kasi talagang you see all their hardwork inside the house, e."

Samantala, ilang linggo na lang ay magtatapos na ang reality show na Pinoy Big Brother.

Ayon kay Gabbi, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya tungkol dito.

"Mixed emotions kasi, alam mo, ngayon pa lang nasa-sad na ako na, oh my God, malapit nang matapos. Pero at the same time, excited na rin ako kasi it's very unpredictable. Hindi mo talaga alam kung sino ang mananalo kasi lahat sila malalakas."

Abangan mamaya kung sino sa nominated duos ang palalabasin sa Bahay ni Kuya.

Tingnan dito ang final duos sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition