
Kabilang ang Sparkle stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa mga showbiz personality na nakiisa sa “Trillion Peso March” anti-corruption rally na naganap sa EDSA People Power Monument.
Ibinahagi ng aktres sa Instagram ang mga larawan niya kasama ang kanyang nobyo at iba pang celebrities at personalities tulad nina Nicole Cordoves, Vice Ganda, Catriona Gray, at Iza Calzado.
“Mahal kita, Pilipinas. Ipaglalaban kita,” sulat niya sa caption.
Bukod kina Gabbi at Khalil, kasama rin sa mga nakiisa sa kilos-protesta laban sa katiwalian sina Dingdong Dantes, Anne Curtis, Jasmine Curtis-Smith, Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Angel Aquino, at marami pang iba.
RELATED GALLERY: Celebrities and personalities take part in September 21 rallies