
Ipalalabas na sa Netflix ang pelikula ng magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos na How To Cheat Death simula April 2.
Base sa storyline ng drama-thriller movie, tungkol ito sa: "Two people struck by lightning at the same time gain the ability to see the future and use their gift to help people cheat death."
Tampok din sa How To Cheat Death si Kakki Teodoro at iba pang mga artista na sina Christian Bautista, Adrienne Vergara, Lottie Bie, lana Bernardez, Nor Domingo, Lesley Lina, Che Ramos, Lotlot Bustamante, at Jan Silverio. Mula ito sa direksyon ni Mike Mendoza.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Gabbi bilang isa sa mga host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Mapapanood din siya sa bagong murder mystery series na Slay sa GMA Prime.
Parte naman ang boyfriend ni Gabbi na si Khalil ng musical na Liwanag sa Dilim.
Kamakailan lang ay iginawad kay Khalil ang Best Actor award ng 2025 CinePanalo Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang Olsen's Day.