GMA Logo gabbi garcia and angela alarcon
Celebrity Life

Gabbi Garcia at Angela Alarcon, may pet grooming on-the-go tips sa 'In Real Life'

By Bianca Geli
Published May 31, 2021 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

gabbi garcia and angela alarcon


Mga pagkain at pet grooming on-the-go ang hatid nina Gabbi Garcia at Angela Alarcon sa 'In Real Life.'

Dahil sa ipinatutupad na quarantine restrictions sa ilang lugar, marami pa ring saradong grooming services para sa ating fury pets!

Kaya naman, isang grooming mobile ang hatid ng magkaibigan at parehong furparents na sina Christian at Jeifkay!

Hindi na lang mga pagkain ang on-the-go ngayong new normal, pati na ang grooming services at ukay-ukay pwede nang gawin right in front of our doorsteps.

Sa usapang food trip naman, may bagong na-discover ang In Real Life host na si Gabbi Garcia lumipad ng Mexico para sa isang Latin foodtrip?! Ang mga paboritong Mexican comfort food tulad ng nachos at quesadillas binigyan ng on-the-go twists na perfect ngayong new normal!

Bahay na on-the-go, possible nga ba? Miss mo na rin bang gumala? Paano kung pwede nang umalis ng hindi iniwan ang inyong bahay?

'Yan ang pinatunayan ng isang pamilya sa Palawan.

Laging samahahan si Gabbi Garcia sa kanyang iba't ibang adventures sa IRL tuwing Huwebes, 5:45 PM sa GTV.