What's Hot

Gabbi Garcia at Khalil Ramos, magsasama sa isang digital series

By Marah Ruiz
Published January 15, 2024 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia at Khalil Ramos


Naghahanda na si Gabbi Garcia para sa isang digital series na gagawin nila ni Khalil Ramos.

Magiging busy si Kapuso actress Gabbi Garcia ngayong 2024.

Malapit na niyang i-reprise ang kanyang role bilang Sang'gre Alena sa upcoming series na Sang'gre.

Bukod dito, nakatakda rin siyang gumaawa ng isang digital series kasama ang kanyang boyfriend at kapwa Kapuso na si Khalil Ramos.

"It requires a lot of mental preparation. Khalil is with me naman. I appreciate comments from him, knowing na he's someone I trust and he's really good at his craft," lahad ni Gabbi.

Lubos daw na-enjoy ni Gabbi ang trip nila ni Khalil sa Canada nito lang nakaraang December.

"Our recent trip to Jasper, Alberta ng Canada, it was really breathtaking. Iba talaga nagagawa ng nature trip. Detached siya from the chaotic world we live in. Isipin mo, talagang walang signal, you breathe clean air and it's just you and your thoughts. Talagang very very good to restart," paggunita ng actress.

Nagpalamig din sina Gabbi at Khalil sa Athabasca Glacier sa Canadian Rockies at namasyal sa iba't ibang lugar sa Toronto.

Image Source: gabbi and khalilramos (Instagram)

Sa pag-uwi nila sa Pilipinas, nasakyan pa nila ang flight ng nanay ni Gabbi na si Tes Lopez na isa nang flight purser o chief flight attendant ng isang eroplano.

Malaking impluwensiya rin daw si Tes sa buhay ni Gabbi. Sa katunayan, kung hindi siya naging artista ay nais daw niyang maging piloto.

"Ever since talaga gusto ko talaga maging pilot. Kung hindi pilot, beauty queen. Pero in professional talaga, because my mom is a flight purser now, exposed talaga ako sa airlines," bahagi ni Gabbi.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.