
Ang trending na community pantries hindi na lang pagkain ang hatid kundi pati na pamasahe, libro, at good vibes!
Mula sa konsepto ng community pantry, nagsulputan rin ang iba't ibang klase ng ayuda.
Hindi na lang pagkain ang laman pati na rin mga libro, barya at entertainment?
'Yan ang binisita nina Gabbi Garcia at Kim Rodriguez ngayong linggo sa In Real Life.
Kasama na diyan ang isang community pantry sa Quezon City, na hindi lang pagkain ang hatid, pati good vibes sa lahat ng pupunta sa kanilang 'Fun-try'!
Ang stand-up comedians kasi nagsama-sama upang magbigay ng ngiti sa bawat kababayan na dadaan sa nasabing proyekto!
Maliban dyan, ang all-time favorite nating sweet na chocolates bibigyan ng hindi inaasahang lasa na certified 100% Pinoy flavors daw!
Ibinida ni Gabbi at Kim ang kakaibang tsokolateng may halong lambanog, banana cue, at salabat.
May sorpresang handog din ngayong linggo para sa mga mahal nating kuting at bantay--masarap at affordable na pet snacks.
Iba't ibang paandar related sa quarantine ang tampok ngayong linggo sa IRL kasama sina Kapuso Gabbi Garcia at Kim Rodriguez,
Huwag palampasin ang IRL, tuwing Huwebes, 5:45 PM sa GTV!