GMA Logo Gabbi Garcia
What's Hot

Gabbi Garcia, excited na sa kanyang bagong project

By Karen Juliane Crucillo
Published November 20, 2024 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia


Abangan si Gabbi Garcia sa isa na namang teleserye!

Kagagaling lamang ni Kapuso star Gabbi Garcia sa isang event sa Singapore, ngunit parang magiging busy na ulit ang aktres.

Ang aktres ay panandaliang nagpapahinga at nakipag-bonding muna sa kapwa Sparkle artists sa birthday lunch ng mga may kaarawan ngayong ber months.

Sa isang interview ni Lhar Santiago sa 24 Oras, naibahagi ni Gabbi na ito ay naghahanda sa isang bagong project.

“I'm really excited, I'm ready to go back to teleserye and exciting kasi it is a new genre that I'll be doing," pahayag ng aktres.

Naikuwento rin ni Gabbi na siya ay excited nang makasama ang mga artistang makakatrabaho niya sa bagong teleserye.

Sabi niya, “Karamihan sa kanila first time ko makakatrabaho, pero we've been friends for such a long time, so finally ito na.”

Ngayong papalapit na ang Pasko, hindi maitatanggi ng Kapuso star na pinaghahandaan niya rin ang holiday season. Binanggit niya na isa siya sa mga magkukumahog ngayong Christmas rush.

Isa ito sa mga ni-lu-look forward ni Gabbi dahil sa mga nagdaang taon, siya ay laging namimigay tuwing Pasko dahil ito raw ay season of giving.

Panoorin ang buong interview kay Gabbi Garcia rito: