
Isa si Gabbi Garcia sa Sparkle stars na talaga namang sobrang busy ngayong taon.
Back-to-back kasi ang kaniyang mga proyekto, kabilang na rito ang bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Bukod dito, mapapanood din siya bilang isa sa mga bida sa GMA's first Viu Original series na SLAY.
Sa Chika Minute report na ipinalabas nitong March 3, inilahad na abala man sa maraming bagay, priority pa rin ni Gabbi ang pag-aalaga sa kaniyang kalusugan lalo na't mayroon siyang kinaharap na health scare kamakailan lang.
Related gallery: Gabbi Garcia's athleisure outfits
Ibinahagi ni Gabbi sa naturang panayam na nakaranas siya ng hormonal imbalance noong nakaraang taon.
Pahayag niya, “Last year, I started having problems with my hormones, hormonal imbalance. Kinailangan ko talagang mag-workout. I had to really monitor what I eat. I had to take supplements. I had to watch my diet also.”
“You know naman in our line of job, kailangan lagi kang healthy,” dagdag ng Kapuso actress.
Sa social media, makikita na talaga namang pinaglalaanan niya ngayon ng oras ang kaniyang workout sessions at iba pang kailangan niyang gawin para sa ikabubuti ng kaniyang kalusugan.
Samantala, excited na ang Kapuso It Girl ni Kuya na si Gabbi sa nalalapit na pagpapalabas ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang bagong season ng teleserye ng totoong buhay sa March 9.
RELATED GALLERY: GMA AND ABS-CBN SIGN DEAL FOR PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION