
Nakikilala na sa fashion world si Gabbi Garcia at maraming mga oportunidad ang nagbubukas sa kanya bilang isang beauty influencer.
Sa interview ni Lhar Santiago sa 24 Oras, makikitang kagagaling lang ng Kapuso star sa Singapore kung saan dumalo siya sa event ng isang top international fashion house.
Naikuwento ng aktres na ito ay may hangover pa rin sa kanyang Chanel Wintertale experience sa Singapore.
“Ever since talaga gustong gusto ko maka-attend sa mga events nila and finally, it happened in Singapore," sabi ni Gabbi.
Siya rin ay tuwang tuwa nang maka-interact niya ang international stars na sina Becky Armstrong at David Beckham.
Kuwento niya, "Nakakatuwa kasi, you're able to talk to them. They are very approachable, and everybody is just really there for fashion.”
Makikita sa Instagram ni Gabbi ang kanyang mga kuhang litrato sa event at isang selfie kasama si David Beckham.
Kabilang sa iba pang dumalo ay sina Chris Nick Delos Reyes, April Marquez, Isa Valentos, Agoo Azcuna-Bengzon, and Marj Ramos-Clemente.
Silipin ang ibang fashion event ni Gabbi Garcia dito: