
Magsisimula ang mythical megaserye na Mga Lihim ni Urduja ngayong Lunes, February 27.
Kaya naman excited ang isa sa mga bida nitong si Gabbi Garcia, na makita ng mga manonood ang mataas na antas ng produksiyon ng serye.
"From the cast pa lang, makikita mo na kung gaano ka-jampacked at kung gaano kadami namin sa cast. 'Yun pa lang, alam mo nang mlaki 'tong project na 'to. Hindi lang 'yun, pati 'yung mga direktor namin, bigatin. The production quality, talagang ginagastusan siya ng GMA," lahad ng aktres.
Lubos daw na makikita ng mga manood ang pagka-engrande ng serye sa isang malaking eksena na pati daw siya, looking forward na mapanood.
"Sa sobrang desperado niyang mahanap 'yung mga hiyas ni Urduja, may puputahan silang isang event. 'Yun 'yung istorya so kailangan talaga malaking malaki 'yung set up kasi nga isa siyang big event sa story," paliwanag ni Gabbi.
Gaganap si Gabbi sa show bilang Crystal Posadas, jewelry designer at isa sa mga nakatakdang tagapangalaga ng pitong hyas ni Urduja.
Dahil sa bagong seryeng ito, reunited siya sa kanyang Encantadia co-stars at kapwa Sang'gre na sina Kylie Padilla at Sanya Lopez.
Huwag palampasin ang world premiere ng Mga Lihim ni Urduja, February 27, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin naman ang buong ulat ni Aubrey Carampel sa video sa itaas.
SAMANTALA, NARITO ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES LOOK SA TAPING NG MGA LIHIM NI URDUJA: