
Tinapos na ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang mga haka-haka nang umano ay pagsali niya sa nalalapit na Miss Universe Philippines 2024.
Matatandaaan na sa isang TikTok video kung saan nagkaraoon ng Q&A si Gabbi, may nagtanong kung gusto ba niyang sumali sa Miss Universe. Sinagot ito ng dalaga ng: “Yes!! Just waiting for the right time.” Umani ng suporta at approval ang dalaga mula sa mga netizens dahil dito.
Ito marahil ang dahilan kung bakit muling lumutang ang usap-usapan ng kanyang pagsali sa pageant.
“Actually si Michelle nga, Michelle Dee, texted me pa, asking if I was gonna join talaga kasi nga there are rumors, there are also videos circulating, so pati ako nagulat ako,” sabi ng Encantadia Chronicles: Sang'gre kay Nelson Canlas sa 'Chika Minute' sa 24 Oras.
Dagdag pa niya, nasa Japan sila ng long-time boyfriend na si Khalil para magbakasyon nang ianunsyo ang mga kandidata kaya wala itong katotohanan.
Aminado ang aktres na natutuwa at kinikilig siya na naiisip siya ng mga tao maging parte ng Miss Universe Philippines ngunit ayon kay Gabbi, “That's a lot of things to process. Hindi naman ganun kadali sumali lang.”
TINGNAN ANG MGA LITRATO NI GABBI NA PATUNAY NA KAYA NIYANG MAGING ISANG BEAUTY QUEEN:
Sa send-off media conference ni Michelle last year, sinabi ng Miss Universe Philippines 2023 na hinihintay na lang niya si Gabbi na sumali sa pageant.
Samantala, nasa Japan sina Gabbi at Khalil para magbakasyon at ipagdiwang ang kanilang 7th anniversary at sa hiwalay na interview, sinabi ni Khalil ang simpleng sikreto nila para sa isang long-lasting relationship.
“Respeto sa isa't-isa, forgiveness, and constant ommunication, ' yun ang mga sikreto. And you have to be bestfriends,” sabi niya.
Panoorin ang buong interview ni Gabbi dito: