
Kahit kabi-kabila ang showbiz commitments ay tuloy pa rin ang pag-aaral sa college nina Kapuso couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos na anila ay para mas magkaroon pa sila ng kaalaman kaugnay ng kanilang itinatayong business.
Kahit challenging, desidido raw ang dalawa na maka-graduate sa kanilang Business course.
Source: gabbi (Instagram)
“It's nice to expand your knowledge sa business and especially kaming dalawa since magpo-produce din kami ng series,” ani Gabbi nang makapanayam ng 24 Oras.
Ayon kay Khalil, nagtatayo sila ng production house, ang Limitless Productions, at magsisimula na silang mag-produce ng mini-series.
“We're starting like a mini production house of sort. We have a team na and it would be nice if we have the knowledge to run a business,” aniya.
Samantala, sa unang pagkakataon ay bibida sa isang serye ang real-life couple sa upcoming GMA Public Affairs' show na Love You Stranger.
Ayon sa report, sumasailalim sina Gabbi at Khalil sa acting workshops para rito.
Pero ano nga ba ang nakikita nilang pinaka-challenging pagdating sa lock-in taping?
“Iniisip ko na kailangan kong dalhin 'yung pang-kape, 'yung computer ko malamang dadalhin ko for work,” sagot ng aktor.
Biro pa niya, “Si Gab iba-iba 'yung gusto niyang dalhin. Gusto niyang magdala ng air fryer, portable washing machine.”
Makakasama nina Gabbi at Khalil sa series si Kapuso actor-host Gil Cuerva.
Ang Love You Stranger ay isang romance mystery show na isinulat ng award-winning GMA Public Affairs producer na si Anj Atienza katuwang ang writer-director na si Irene Villamor bilang consultant.
Take a look at Gabbi and Khalil's sweetest photos in this gallery:
Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.