
Buong buo ang suporta ng mga kaibigan at katrabaho ng Kapuso stars na sina Anthony Rosaldo, Thea Astley, at Garrett Bolden sa pagsabak nila sa musical play na Rent.
Sa special preview ng musical nitong April 18, dumalo sina ang magkasintahan at kapwa Sparkle stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Kasabay rin nilang nanood ang mga kasamahan nina Anthony, Thea, at Garrett sa All-Out Sundays na sina Mark Bautista, Rita Daniela, at Mariane Osabel.
"We're all here to support our friends," simpleng pahayag ni Khalil.
"We're so excited for them and since the beginning naman confident kami na they can pull this off. Sobrang gagaling nila individually. Napaka iconic ng Rent 'di ba?" dagdag naman ni Gabbi.
Samantala, umaasa ang Anthony, Thea, at Garrett na magugustuhan ng mga manonood ang pagtatanghal nila ng Rent sa ilalim ng 9Works Theatrical.
Image Source: sparklegmaartistcenter (Instagram)
"Kinakabahan kami kasi gusto namin na magbigay ng magandang show. Gusto namin na ma-enjoy ng mga audience at siyempre, we want to leave a lasting impression on them," lahad ni Thea.
"Saka gusto namin na 'yung lahat ng practice namin, pinaghirapan namin, pagod namin, talagang makita nila 'yung fruits of our labor," dagdag naman ni Anthony.
"Pinag-prepare-ran natin to for the past couple of months, together with our team as well, our company. We're really excited to tell the story of Rent," pagsang-ayon ni Garrett.
SILIPIN ANG MGA NANGYARI SA SPECIAL PREVIEW NG RENT DITO:
Ang Rent ay isang rock musical tungkol sa grupo ng struggling artists na nakatira sa New York sa panahon ng HIV/AIDS epidemic.
Mapapanood ang Rent sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza sa Makati simula April 19. Maaaring bumili ng tickets nito sa ticket2me.net.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.