
Kilig na kilig si SLAY star Gabbi Garcia sa mga papuring natanggap niya mula kay King of Talk Boy Abunda.
Sa pagbisita ni Gabbi sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, May 23, nag-uumapaw sa papuri ang batikang host sa kaniya, lalo na sa kaniyang magandang work ethic.
Iniliarawan ni Tito Boy si Gabbi bilang isang hard-working actress, “Ang gusto kong malaman ng tao, you work so hard. You have a drive, you have that drive that no one can ever-ever distract. 'Pag may ginusto ka, ito, ito 'yun. 'I wanna do more.'”
Teary-eyed, pinasalamatan ni Gabbi ang batikang host para sa mga papuri nito sa kaniya, “Thank you, Tito Boy. Kinilig naman ako sa lahat ng sinabi mo. Grabe, iilan lang kayong nagsasabi sa 'kin niyan so it really means a lot.”
Tinanong din ni Boy kung saan nga ba nanggagaling ang hunger ni Gabbi para pagbutihin pa ang sarili bilang isang aktres. Saad ng aktres, sadyang passionate lang siya sa kaniyang craft.
“I think I'm just really passionate with my craft. I think, ito, no showbiz or anything, I really love my job. I really like what I'm doing, I'm really enjoying with this industry, with how I converse with everybody, and how I'm learning from you. I'm genuinely having the best time of my life doing all these things,” wika ng aktres.
Isa pang rason kung bakit patuloy niyang gustong mag-improve ay dahil ayaw niyang balewalain ang mga taong sumusuporta at nagtitiwala sa kaniya.
“For example, today, I just signed my contract. GMA is trusting me, I don't wanna let them down. It's not just all for myself, I'm also making sure that I'm not short-changing everybody who trusts me,” sabi ng aktres.
Matatandaan na naging mentor ni Gabbi ang tinaguriang King of Talk sa hosting at ayon sa batikang host, wala siyang nakikitang hint ng pagod sa aktres, at sinabing magaan siya i-mentor.
“I truly appreciate it, because I want people to understand that you are where you are today, not by accident. You worked so hard,” sabi ni Boy.
Panoorin ang panayam kay Gabbi dito: