What's Hot

Gabbi Garcia, maglulunsad ng bagong negosyo

By Marah Ruiz
Published February 3, 2024 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia


Maglulunsad ng bagong business si Gabbi Garcia. Ano kaya ito?

Very busy ngayong 2024 ang Kapuso stars at real life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Nakatakda silang muling magsama sa isang espesyal na proyekto.

"We're actually currently shooting a digital series. We just started last week. We can't say at the moment kung ano 'yung title but it's something that the both of us are very excited to do. It's the first time we're working again together after Love You Stranger," bahagi ni Khalil.

Bukod dito, isang pang personal na proyekto para sa kanyang sarili ang pinaghahandaan ni Gabbi.

Ibinahagi ng aktres na malapit na niyang ilunsad ang kanyang bagong negosyo.

"It's an eyewear and accessory brand. I'm very very excited kasi sobrang hands on ako dito. Pangalan pa lang, very personal to me and I've been really working on the small details. Baby ko talaga 'to. Para siyang passion project so excited ako doon," lahad ni Gabbi.

Source: gabbi (IG)

Samantala, nananitiling tourism ambassadors ng Taiwan sina Khalil at Gabbi.

"Very underrated travel destination pero it's growing. A lot of people are starting to take notice of Taiwan's culture, their food, and their beautiful destinations as well," pahayag ni Khalil.

Hinihikayat din nila na mag-travel ang mga magkasintahan para lalo pang makilala ang isa't isa.

"Bukod sa breather, parang we discover so many things about ourselves and about each other kapag nagta-travel kami. Madaming learnings na hindi mo makukuha kahit saan-saan lang," paliwanag ni Gabbi.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.