
Marami ang nakatutok kung may happy ending ba ang love life ng karakter ni Gabbi Garcia na si Wanda o Miss Wonderful sa Stories from the Heart: Love On Air.
Sa huling linggo ng nasabing series, tila may namumuong kompetisyon na sa pagitan nina Nacho Bautista (Yasser Marta) at DJ Joseph (Khalil Ramos) upang manalo sa puso ni Wanda.
Bagama't malayo raw ang personalidad ni Wanda kay Gabbi,ang pagiging madiskarte sa buhay daw ang pinaka pagkapareho nila. Ito ang kaniyang ibinahagi sa isang panayam sa GMANetwork.com.
"To be honest malayong-malayo si Wanda sa personality ko. Her being hardworking, and very madiskarte sa buhay siguro I can relate to that kasi ako ever since I was a kid I'm a very goal oriented person.
"I like beating deadlines, I like having plans, meron akong target na by this age I have to be like this parehas kami ng diskarte sa buhay ni Wanda which I feel is also important na somehow may parallel kami ni Wanda," ani Gabbi.
Pagdating naman sa usapang pag-ibig, may napulot naman daw na love advice ang Kapuso actress mula sa kaniyang role.
"As Gabbi siguro, the advice that I want to get from Wanda is to be always straightforward when it comes to love, no time wasted, also mahal na mahal kasi ni Wanda yung family niya before anyone else. So, siguro yun din to love yourself more before anyone else," kwento ni Gabbi.
Ano kaya ang mangyayari sa love story nina Wanda at Joseph? Tutukan 'yan sa huling tatlong hapon ng Stories from the Heart: Love On Air, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.
Balikan naman ang naging lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air sa gallery na ito: