
Masidhi ang pag-aabang ng mga Kapuso at Kapamilya fans kung sino sa natitirang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates ang susunod sa yapak ng Big Duo winners na sina Mika Salamanca at Brent Manalo.
Sa ngayon ang mga Kapuso housemate na natitira sa Bahay ni Kuya ay sina Sofia Pablo, Caprice Cayetano, Heath Jornales, Ashley Sarmiento, Marco Masa, at Princess Aliyah.
May chance pa rin na mapasama sa Big Night ang mga Kapamilya talents na sina Joaquin Arce, Eliza Borromeo, Carmelle Collado, Lella Ford, Miguel Vergara, at Krystal Mejes.
RELATED CONTENT: The PBB journey of big winners Mika Salamanca and Brent Manalo
Sa panayam sa PBB host na si Gabbi Garcia, may sinabi ito tungkol sa 'exciting' na mangyayari pa sa BNK.
Aniya, “Malapit-lapit na ang pagtatapos pero ang dami pa rin exciting, kasi recently nagkaroon ng wild card. So, nadagdagan na naman sila and mas marami pang house guests na darating.”
Gabbi Garcia, Mavy Legaspi and the rest of the PBB hosts/ Source: gabbi (IG)
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream