
Ipinarating ni Gabbi Garcia ang kanyang pasasalamat sa kanyang Sang'gre co-stars na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, at Glaiza De Castro sa pagtatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan muli silang nagkaroon ng pagkakataon na magkasama-sama.
Sa Instagram, ipinakita ng Kapuso actress ang ilang masasayang moments nila sa set, maging ang behind-the-scenes ng kanilang pagiging mga Bathaluman.
"Sisters forever. Avisala eshma sa inyong pagmamahal. 'Til we meet again!" caption niya sa kanyang post.
Ni-repost naman ito nina Kylie, Sanya, at Glaiza sa kani-kanilang Instagram accounts.
Sa Sang'gre, muling nagampanan nina Kylie, Gabbi, Sanya, at Glaiza ang kanilang iconic characters na sina Amihan, Alena, Danaya, at Pirena.
Related gallery: Glaiza De Castro signs off as Pirena; nagpasalamat sa Encantadiks: 'Sa inyo ang korona'