
Naging patok sa social media ang tinatawag na 'bag raid' kung saan ipinapakita ng mga celebrity at influencer kung anu-ano ang laman ng kani-kanilang bag.
Pero para sa isang lalaki sa San Jose Del Monte, Bulacan na parating bitbit ang kanyang bag, nahihiya siyang ipakita kung ano ang nasa loob nito.
Sa loob ng ilang taon, naging karugtong na ng buhay ni John Paul Ordoña ang dati niyang school bag na naglalaman na ngayon ng galon ng tubig kung saan lumalabas ang dumi sa kanyang katawan.
Ayon kay John Paul, taong 2019 nang magkaroon siya ng acute appendicitis.
Kuwento niya, "Nakuha raw po 'yun sa pagpipigil ng dumi, gawa daw po ng mababa 'yung immune system, sobrang trabaho, at sobrang pagod."
Nang maoperahan na si John Paul at matanggal ang kanyang appendix, kumalat na ang bacteria sa iba pang parte ng kanyang tiyan. Dahil dito, kinailangan ilabas ng doctor ang kanyang bituka.
Mula noon, lagi nang kasama ni John Paul ang kanyang bag kahit saan siya pumunta.
Ayon sa doctor, kailangan ni John Paul na magkaroon ng second operation ngayong March na nagkakahalagang 380,000 pesos.
Nakarating naman ang balita kay IRL (In Real Life) host at Love You Stranger star Gabbi Garcia at nangakong gagawa siya ng paraan upang matulungan si John Paul sa kanyang operasyon.
Pangako ni Gabbi, "Grabe, at a young age, sobrang dami mong na-i-inspire na tao, and isa na ako doon."
"Dahil d'yan, kami at ng KMJS team, mag-e-effort kami at magtutulong-tulong kami para mapagamot ka."
Para sa mga gustong magpaabot ng tulong kay John Paul, maaring magdeposito sa mga sumusunod:
Bank of the Philippine Islands:
Account number: 2649-3101-46
Account name: Johnpaul Ordoña
GCASH:
Account number: 09614045404
Account name: Johnpaul Ordoña
Maaring ding makipag-ugnayan kina John Paul sa mga sumusunod na numero:
09563641659- Johnpaul Ordoña
09636127433- Mary Ann Gonzales